Noon pa man ay nakatala na sa regulasyon ng paaralan ang pagbabawal sa kulay ng buhok bukod sa itim. Kasama pa nito ang eksaktong sukat ng buhok na dapat taglayin ng mga kalalakihan na kung aabot sa kilay at magkakaroon ng pansining patilya ay sapilitang puputulin ng paaralan. Ang mga panukalang katulad nito ay ang mga nakamulatang batas pampaaralan na pinilit nalang nating lunukin kaysa hamunin kung may saysay nga ba talaga ito sa mga mag- aaral. Sa kasalukuyang panahon, ilang milenyo na ang nagdaan ay tila walang saysay na ang ganitong batas at mga kauri nito. Kailanman, hindi naging kabawasan sa talino at sipag ng mag- aaral kung anong klase at kulay ng buhok mayroon siya. Walang pinagkaiba ang kakayahang kayang taglayin ng isang kalbong mag-aaral sa kapwa mag-aaral na may mahabang “bangs”. Kung sisiyasating mabuti ay may positibong epekto pa nga sa mga mag-aaral kung pipiliin nila ang gusto nilang ayos sa sarili. Ang saril...
COLLECTION OF BRAIN IMPULSES