Skip to main content

HINDI ANG COVID-19 ANG PAPATAY SA ATIN

HINDI ANG COVID-19 ANG PAPATAY SA ATIN
KUNDI ANG UGALING MAPANLAMANG AT MAPAGKAMKAMIN
ALCOHOL AT FACE MASK, HANDANG UBUSIN? 
DAHIL PRESYONG DOBLE, TRIPLE GINAWANG ADHIKAIN!
PANIC BUYING KAYONG MAY MGA PANG BUY
SAMANTALANG KAMING MGA MARALITA, HANGGANG PANIC LANG AT CRY CRY
PATI ANG MGA SUPLAY AY HANDA NYONG I-HOARD
SABAY SIMBA SA LINGGO AT DASAL DASAL KAY LORD
SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG MGA MAMAMAYANG AKING UUTAKAN
ILAYO NYO SANA KAMI SA SAKIT UPANG MAGPATULOY ANG AMING KABUKTUTAN


HINDI ANG COVID-19 ANG PAPATAY SA ATIN
KUNDI ANG MABILIS NA DALOY NG PEKE AT PABRIKADONG IMPORMASYON SA ATIN
BILANG DAW NG CORONA, UMAKYAT NA SA ISANG LIBO?
HETO NAMANG MGA BOOMER AT PAPANSIN, CLICK SABAY PASTE ANG ISTILO
TAWAG KA NI NANAY, LOCKDOWN NA RAW BUONG PILINAS? 
AY KELAN PO KAYA ANG BUNGANGA NYONG TALIPANDAS? 
KELAN KA MATUTUTONG MAGBASA BAGO PUMINDOT 
NAGDADALA KA NG KABA, HINDOT! 
KABADO TULOY SI LOLA, KINAKATOK NA KAMO NI KORONA
NANIKIP-DIBDIB, INATAKE, TEGI NA!
NA DEDZ DAHIL SA ULOK MO
HINDI SA VIRUS,  HUNYANGO! 

HINDI ANG COVID-19 ANG PAPATAY SA ATIN
KUNDI ANG ADMINISTRASYONG PLDT- GLOBE ANG AKSYONG-DIIN
COVID-FREE BUONG WEEK? 
NO, NO, NO, WAIT KA  LANG SA ISANG MALUPITANG WIN STREAK!
DONATE MUNA SA CHINA
TAPOS TARANTA LATER ANG CHIKA 
BILANG NG "TUNAY" NA KASO I-SIKRETO MUNA
PARA ANG "ELEMENT OF SURPRISE" AY MADAMA
HINDI TAYO TUTA NG AMERIKA!!!!
PERO "PET" NG TSINA
DI TAYO PROBINSYA NG MGA TSINO!!!
CITY NILA TAYO, HANO!


HINDI ANG COVID-19 ANG PAPATAY SA ATIN
KUNDI ANG REYALIDAD NA PATAY NA TAYO BAGO PA ITO DUMATING
HINDI MAAYOS ANG HEALTH CARE SA PINAS, 
WALA PA MAN ITONG DELUBYONG MATIKAS
BARANGAY HEALTH CENTER NGA, PARACETAMOL LANG ANG MERON
AASA KA PA BA SA TESTING-KIT NA AAMBON?
SAKIT SA PUSO, ALTA PRESYON
TULOG LANG ANG SOLUSYON!
PAMPAGAMOT SA DOKTORA
ISANG BUWANG PAGKAIN NA ANG HALAGA
ANG MALILIGTAS LANG AY YUNG MAY KAYA
YUNG MAHIHIRAP, NGANGA!
HETO NA ANG VIRUS, NA-KORNER KA NA
" WAG KANG LALAPIT, KORONA
 WALA AKONG KAYA"
" SENYSA NA BRO, LAGPASAN NA KITA. IGAGANTI KITA RON SA MGA BUWAYA!"

Comments

Popular posts from this blog

POLISIYANG MAKILING: KULAY AT ISTILO NG BUHOK, WALANG KINALAMAN SA PAG-AARAL

    Noon pa man ay nakatala na sa regulasyon ng paaralan ang pagbabawal sa kulay ng buhok bukod sa itim. Kasama pa nito ang eksaktong sukat ng buhok na dapat taglayin ng mga kalalakihan na kung aabot sa kilay at magkakaroon ng pansining patilya ay sapilitang puputulin ng paaralan.  Ang mga panukalang katulad nito ay ang mga nakamulatang batas pampaaralan na pinilit nalang nating lunukin kaysa hamunin kung may saysay nga ba talaga ito sa mga mag- aaral. Sa kasalukuyang panahon, ilang milenyo na ang nagdaan ay tila walang saysay na ang ganitong batas at mga kauri nito.            Kailanman, hindi naging kabawasan sa talino at sipag ng mag- aaral kung anong klase at kulay ng buhok mayroon siya. Walang pinagkaiba ang kakayahang kayang taglayin ng isang kalbong mag-aaral sa kapwa mag-aaral na may mahabang “bangs”. Kung sisiyasating mabuti ay may positibong epekto pa nga sa mga mag-aaral kung pipiliin nila ang gusto nilang ayos sa sarili. Ang saril...

DI KA PASISIIL: NINGAS NA HATID NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA SILAKBO NG KAMALAYAN UKOL SA KULTURA, KASAYSAYAN, AT WIKA SA NAGBABAGONG PANAHON

  Sa pagtapak ng sangkatauhan sa panibagong milenyo ay naging matulin at marahas ang pag-ugong ng pagbabago. Ang mga uhaw na pagnanasa sa isang maunlad na hinaharap ang nagbigay ng daan upang matamo natin ang lagay ng ating pamumuhay sa kasalukuyan. Mula sa liham de papel hatid ng koryo na inaabot ng buwan ang pagdating, patungo sa segundong palitan ng mensahe hatid ng sensyas pang himpapawid. Refrigirator, Television, Aircondition, rice cooker, at mga katulad nito ay ilan lamang sa mga makabagong kagamitan na nagbibigay nang madali at komportableng pananahan sa araw-araw. Tunay nga na malayo na ang narating ng teknolohiya mula sa noo’y maliit at imposibleng ideya patungo sa aktwal na sibilisadong tunguhin.  Kung masisilayan nga lamang ng ating mga bayani ang kasalukuyan ay paniguradong malaki ang panghihinayang na kanilang madarama. Kung noon pa lamang kasi ay naimbento na ang makabagong teknolohiya ay naging madali sana kay Gat. Andres Bonifacio na pag-isahin ang kalat-kal...

AYOKO SA PULA PERO GUSTO KITA

  Pula; dugo, apoy, galit Kulay na tumitindig sa krimen at pait Sa isang saksak sa leeg ni Adan, Natapos ang paghihirap ng kawan Nakita ko ang dahan-dahang pagbaon ng kutsilyo sa pulso, Ragasa ang bulwak nang buo at malansang samyo Nalagot ang tali sa paghinga Naputol na ang pag-asa Gusto kong pumikit dahil Ayoko sa dugo. Mainit, ako ay napaso Sa mundo na napaliligiran ng pula Dagat- dagatang apoy, asupreng kalangitan Nakapapaso ang bumabagsak na kumukulong ulan Masakit at mahapdi Nanunuot ang paso sa dibdib Lumalatay ang pait Unti-unting tinutupok ang paningin Nasunog na ang aking lihim, Di manlang naparinig Kailan ba ako makararamdam ng ginhawa? Kahit lamig nawa, dahil Ayoko sa apoy. Yugtong di pabor sa aking panig, Alitan, kaguluhan- Taliwas at humahadlang sa kapayapaan Ramdam ko ang ningas sa aking loob Paninibugho, lalong lumalago Unti-unting umaangat ang dama Hanggang sa di ko na makita ang ligaya Sinusubukan kong pigilan Ang pwersang nag aalis sa aking kamalayan Inuubos ang ...